OPINYON
- Sentido Komun
Nananatiling bangungot
ANG pagkakadakip kamakalawa sa Cavite City sa isang 13-anyos na batang lalaki dahil sa pagbebenta ng shabu ay isa na namang nagdudumilat na hudyat na masyadong talamak ang illegal drugs sa ating pamayanan; na talagang mailap ang solusyon sa pagpuksa ng naturang...
Sa paglipol ng mga demonyo
PALIBHASA’Y naging biktima ng karumal-dumal na pagpaslang, hindi kumukupas ang aking pakikiisa sa mga panawagan hinggil sa muling pagpapatupad ng parusang kamatayan. Nakatimo pa sa aking utak ang hapdi ng pagpatay sa aming bunsong kapatid, kasama ang tatlong iba pa;...
Ganid sa salapi ng bayan
ANG mistulang bangayan ng Senado at Kamara hinggil sa masasalimuot na probisyon ng General Appropriations Act (GAA) ay natitiyak kong magiging balakid sa implementasyon ng makabuluhang programa ng Duterte administration, tulad ng ‘Build, Build, Build projects’. Ang...
Balighong pag-akay
TALIWAS sa ipinangangalandakan ng ilang sektor na kapani-paniwala ang survey results, hindi nagbabago ang aking paninindigan na ang barometro ng tunay na survey ay dapat ibatay sa pananaw ng higit na nakararaming mamamayan. Ibig sabihin, ang partisipasyon sa mga survey ng...
Sa kapinsalaan ng buhay at ari-arian
ISANG malaking kabalintunaan na kasabay ng Fire Prevention Month, kabi-kabila naman ang sunog sa iba’t ibang panig ng kapuluan, kahapon lamang, isang sunog ang sumiklab sa aming barangay; nagiging dahilan ito ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian.Kasabay rin ito ng...
Walang katapusang pagkalinga
NANINIWALA ako na hindi mag-aatubili si Pangulong Duterte sa paglagda sa panukalang-batas na lumilikha ng National Commission on Senior Citizens (NCSC), lalo na kung iisipin na siya mismo ay kahanay na ng mga nakatatandang mamamayan. Isa pa, gusto ko ring maniwala na matayog...
Napag-iwanan sa agrikultura
KASABAY ng pag-iral kahapon ng Rice Tariffication Act (RTA) – kaakibat ng kabi-kabilang pagtutol ng iba’t ibang sektor – lalo namang tumindi ang hinanakit ng mga magsasaka na sila ay talagang napag-iwanan sa agrikultura at biktima ng kawalan ng malasakit ng...
Mahinahong magpasiya
BILANG bahagi ng luksang-parangal o eulogy para kay Enrique ‘Pocholo’ Romualdez, nais kong bigyang-diin ang kanyang pagiging mahinahon sa pagpapasiya sa makatuturang mga bagay sa anumang pagkakataon. Nasaksihan ko ang gayong pagtingin niya sa buhay hindi lamang sa...
Katalinuhan, kayabangan, katangahan?
SA biglang tingin, ang paghamon ng mga kandidato ng oposisyon sa pagka-senador upang makipag-debate sa administration bets ay isang makatuturang barometro upang makaliskisan, wika nga, ang mga lider na iluluklok natin sa Senado. Mawalang-galang na sa kinauukulang mga...
Kamandag ng drug money
SA pagkakasabat ng mga cocaine bricks na nakalutang sa karagatan sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa, lalong tumindi ang mga panawagan na marapat nang ilantad ang narco-list na kinapapalooban ng hindi lamang mga pulitiko kundi maging ng mga pushers at druglords na...